(Antipas, North Cotabato/ January 10, 2014)
---Patay ang isang motorista at ang angkas nito ng mabangga ng ten wheeler
truck ang motorsiklong gamit ng mga ito sa Poblacion Antipas, North Cotabato
alas 5:30 ng hapon kahapon.
Kinilala ang mga biktima na Nilo Manalo,
driver ng motorsiklo at ang angkas nito na si Michael Orcajada, pawang mga
residente Purok Malipayon, Poblacion Antipas.
Hindi napansin ng driver ng ten wheeler
truck na si Virgilio Blando ang paparating na motorsiklo ng mga biktima nang
magtangka itong mag-overtake sa motorsiklong sinusundan nito.
Sinubukan pa ni Manalo na iiwas sa truck ang
motorsiklo subalit nabigo ito at tuluyang bumangga sa truck.
Naisugod pa ospital ang mga biktima subalit
idineklarang dead on arrival ng kanilang attending physician.
Gayon pa man, boluntaryo namang sumuko
ang driver ng truck matapos ang
aksidente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento