Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor Guzman, nanawagan sa Poblacion Council na asikasuhin kaagad ang reconnections ng mga street lights

(Kabacan, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Nanawagan si Kabacan Mayor Herlo “Jojo” Guzman Jr. sa Brgy. Poblacion Council ng bayan na asikasuhin kaagad ang pagpapa-reconect ng linya ng street lights sa Brgy. Poblacion ng Kabacan.

Ito ang inihayag ng alkalde sa kanyang programang Unlad Kabacan sa DXVL tuwing araw ng Sabado.


Anya, kanya mismong personal na kinausap si COTELCO GM Godofredo Homez upang ipaalam na nagpalabas na siya ng pondo upang mabayaran ang lahat ng utang ng Brgy. Poblacion sa street lights.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa agarang tugon ng SB kabacan at agad na inaksiyunan ang kanyang request.

Matatandaang nagpasa ng resolusyon si SB Member Councilor Rhosman Mamaluba hinggil sa pagbibigay ng pahintulot kay Mayor Guzman na magpalabas ng pondo upang mabayaran ang kabuuang utang na nag kakahalaga ng P559,000.

Nabatid na agad naman itong inaprobahan ng SB.

Umaasa naman si Mayor Guzman na agaran nang mareconect ang linya ng mga street lights upang matapos na ang nasabing problema at masiguro ang kaligtasan sa Brgy. Poblacion na siyang sentro ng bayan ng Kabacan. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento