(Midsayap,
North Cotabtao/ August 20, 2015) ---PINANGUNAHAN ng Office of the Presidential
Adviser on the Peace Process o OPAPP ang pamamahagi ng suportang pang-
edukasyon at kalusugan para sa mga dependents ng Moro National Liberation Front
o MNLF members dito lalawigan ng North Cotabato.
Ipinamahagi
ang PhilHealth Cards, Member Data Records o MDR, at Notice of Scholarship Grant
sa mga benepisyaryo ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA ng OPAPP sa
isinagawang awarding ceremony kamakailan sa Kapayapaan Hall ng opisina ni Cong. Jesus Sacdalan dito sa bayan. Mismong
mga kinatawan ng PhilHealth at Commission on Higher Education o CHED ang
namahagi ng mga nasabing health and educational support sa mga benepisyaryo.
Nagbigay
din ng orientation ang PhilHealth kaugnay ng kanilang mga serbisyo partikular
ang iba’t- ibang health packages na maaring pakinabangan ng mga benepisyaryo.
Samantala,
ibinahagi rin ng CHED ang mga nakapaloob sa education study grant ng mga
PAMANA- MNLF beneficiaries. Kabilang na rito ang CHED priority courses,
financial benefits at grounds for termination of study grant.
Kaugnay
nito ay inihayag ni OPAPP Director for Mindanao Jhunnel Raá¹…eses na ang mga
gawaing ito ay may kinalaman sa pagpapatupad ng 1996 Peace Agreement sa pagitan
ng gobyerno at MNLF. Roderick Rivera
Bautista
0 comments:
Mag-post ng isang Komento