Photo Courtesy From: A. Francisco FB |
(Arakan, North Cotabato/ August 18, 2015)
---Bulagta ang isang miyembro ng Bayan Muna Partylist makaraang pagbabarilin ng
di pa nakilalang suspek sa Brgy. Naje bayan ng Arakan, North Cotabato alas 9:15
kaninang umaga.
Kinilala ni Cotabato Police Provincial
Office Spokesperson PCI Bernard Tayong ang biktima na si Joel Hernal Gulmatico,
58-anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Lumalabas sa inisyal na ulat na sakay ang
biktima sa kanyang motorsiklo na isang XRM kulay pula at may plakang YC 4481
pauwi ng kanilang bahay ng ratratin ng di pa nakilalang suspek na riding
tandem.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima
sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong
kamatayan.
Ang biktima ay aktibong miyembro ng Bayan
Muna, APPO, ASPO at TIKULPA.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng Arakan PNP para alamin ang totoong motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento