(Kidapawan City/ August 20, 2015) ---Kahit
hindi umano holiday sa Kidapawan City ay dinagsa ng mga tao ang nagpapatuloy na
Timpupo Festival sa Kidapawan City.
Ito ang nabatid mula kay Kidapawan
City Tourism Officer Joey Recimillia sa panayam ng DXVL News Team.
Sa katunayan ay sa loob lamang ng 3
oras, ay halos maubos ang lahat ng mga panindang prutas sa Fruit Pavillion
kahapon.
Malaki din umano kasi ang kaibahan ng
presyo ng mga prutas na dinidisplay sa Fruit Pavillion.
Mas mura umano ito kung ikukumpara sa
mga presyo ng prutas sa labas ng Kidapawan City.
Nabatid rin mula sa opisyal na ang
pinaka common na iniexport ng ng Kidapan City ay ang mangoosteen at ang saging.
Kilala rin umano bilang Banana Exporter
City of the Philippines ang lungsod ng Kidapawan dagdag pa niya.
Patuloy naman ngayon ang pagbibigay
ng imbetasyon ng opisyal sa lahat ng mga gustong makisaya sa Timpupo Festival
sa Kidapawan City. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento