Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3-anyos na bata patay, 3 pa na kapatid na-ospital sa kinaing kamoteng kahoy sa bayan ng Pikit

(Pikit, North Cotabato/ August 21, 2015) ---Patay ang isang 3 taong gulang na bata habang ospital naman ang binagsakan ng tatlo pa nitong kapatid matapos na malason sa kinaing nilagang kamoteng kahoy sa kanilang bahay sa Sitio Lebanon sa Barangay Gli Gli, bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Sa impormasyong nakarating kay P/Insp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP, kinilala ang namatay na bata na si Mama Payag
Patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang mag-utol na sina Halid, 12; Alibai, 10; at ang 5-anyos na si Asrafiah.

Nabatid na pasado alas-5 ng hapon nang lutuin ang kamoteng kahoy at pagsaluhan ng pamilyang Payag.

Ilang minuto ang nakalipas ay agad na nakaranas ng pagkahilo, papanakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima kaya isinugod sa Cruzado Hospital sa nabanggit na bayan.

Nakaranas din ng kahalintulad na sitwasyon ang mga magulang ng mga bata su­balit di-na nagpadala sa ospital.

Sa panayam ng DXVL news kay MDRRMC head Tahira Kalantongan inihayag nitong ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ay dahil sa kinaing kamoteng kahoy.

Ipinaliwanag din ng opisyal na nasabing lamang ugat ay posibleng maging sanhi ng pagkalason kapag hindi nailuto nang maayos.

Dagdag pa ni Tahira na ang mga pagkain na tulad ng kamoteng kahoy ay dapat na niluluto sa tamang proseso. Rhoderick Beñez/ Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento