Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspected Carnapper, na nag-AWOL sa hanay ng PNP; tiklo ng mga otoridad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 18, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspected carnapper makaraang mahuli habang sakay sa pampasaherong Van sa National Highway, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Abdulembran Usop y Onatan, 36-anyos, may asawa at residente ng Datu Piang, Maguindanao.

Batay sa ulat pwersahan umanong tinangay ng suspek ang isang Trisikad na nakaparada sa harap ng bahay ng may-ari na s iArturo Sanchez Velasco, 53-anyos na residente ng Sinamar II, Poblacion, Kabacan.

Agad na tunugan ni Velasco ang masamang balakin ng suspek sa kanyang sasakyan na Honda TMX 125 at may license plate na KA 79874 dahilan kung bakit ito agad na tumawag ng pulis.

Mabilis namang rumesponde ang mga TMU kasama ang ilang elemento ng Kabacan PNP dahilan ng pagkakahuli sa suspek.

Kaugnay nito, nagawa pa umanong makatakas ni Onatan kungsaan nakasakay na ito sa isang pampasaherong van ng masakote ng mga kapulisan.

Sa isinagawa pagsisiyasat ng mga kapulisan nakuha mula sa biktima ang isang kutsilyo, isang improvised na susi, tatlong piraso ng mga susi, isang unit ng Admet Cellular Phone, kungsaan ang nakuhang cell phone ay isailalim sa PNP Cyber Crimefor Scientific Examination.

Habang ang mga narekober na drug paraphernalia’s ay isusumite naman sa PNP Crime Laboratory Amas, Kidapawan City.

Sinasabing lango pa umano sa ipinagbabawal na gamot ang suspek ng mahuli ng mga otoridad na dating kasapi ng PNP matapos na nag-AWOL ito.

Inihahanda na rin ng Kabacan PNP ang kasong isasampa laban sa suspek.

 Samantala sa kaugnay na balita, malaki ang paniniwala ng isang electrician na kawani ng University of Southern Mindanao na ang nahuling suspected carnnaper kahapon ng umaga, ang itinuturong suspek na planung tangayin ang kanyang motorsiklo.

Ayon kay Butch Baliwan Maganaka, 27-anyos, may asawa at isang  Electrician ng University of Southern Mindanao at residente ng Prk. Laguinding Brgy. Aringay Kabacan, Cotabato.

Isang lalaki umano ang naka-upo sa kanyang ipinaradang Honda XRM 125 na may license plate 8843MY habang nagtatrbaho bilang electrician na nasa USM Housing.

Nang kanyang sitahin, agad na tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.
Kanya na lamang nadiskubre ang ignition switch ng kanyang motorsiklo ay pwersahang pinaandar ng suspek gamit ang isang improvised pick-lock. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento