(Pikit, Cotabato/ August 17, 2015)
---Mahigit isandaang bahay ang sinira ng malakas na hangin sa 3 baranggay sa
bayan ng Pikit, Cotabato kamakalawa.
Sa panayam ng DXVL news kay Pikit
MDRRM Head Tahira Kalantongan, inihayag nitong sa Brgy. Punol 141 na kabayahan
ang sinira ng malakas na hangin, 2 madrasah at isang semi-concrete na moske. Sa
Brgy. Pamalian naman ay walong bahay ang nasira at 2 sa Brgy. Manaulanan.
Dagdag pa ni Kalantongan na gawa sa
semi-concrete ang ibang kabahayan na sinira ng malakas na hangin at lubog sa
tubig ang brgy.dahil sa malakas na pag-ulan.
Wala naman umanong namatay sa
naturang kalamidad at isa lamang ang naitalang sugatan dahil tinamaan ng kahoy
sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagbayo ng malakas na hangin sa
lugar.
Samantala, inihayag din ni Kalantongan
na pansamantalang naninirahan ang mga apektadong residente sa kanilang mga
kamag-anak na hindi tinamaan ng kalamidad.
Aniya, wala ring mga pananim at hayop
na naapektuhan dahil swampy area ang Brgy. Punol at pangingisda ang
ikinabubuhay ng mga residente.
Matapos ang pagpupulong ng LGU at
MDRRM ay agad na nagpaabot ng tulong ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan sa
mga apektadong pamilya sa lugar. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento