Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

8 heavy equipment sinunog ng mga NPA rebels sa magkahiwalay na lugar sa Davao del Sur

(North Cotabato/ August 24, 2015) ---Walong mga heavy equipment ang sinunog ng mga pinaghinalaang mga kasapi ng New People's Army (NPA) sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Davao del Sur mga alas 7:00 kagabi.

Batay sa ulat, dalawa sa mga heavy equipment ang sinunog sa bahagi ng Coronon, Sta. Cruz sa nasabing probinsiya na kinabibilangan ng isang backhoe at isang grader.

Sa kapareho ding bayan sa bahagi ng Tagabuli isang crane na may jack hammer at isang dumptruck ang sinunog rin ng mga rebelde.

Sinunog rin ang road roller, backhoe, at dump truck, at dalawang mga Backhoe sa Barangay Darong, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Nasa road widening ang walong mga heavy equipment ng sunugin ng mga armado.

Batay sa ulat umuusok pa ang 2 road-heavy equipment nang madaanan ng driver at konduktor ng YBL bus matapos sunugin ng mga armadong kalalakihan sa Davao-Gensan National highway sa bahagi ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Dahil sa insidente, takot ang nararamdaman ngayon ng mga residente na nakatira malapit sa pinangyarihan ng pagsunog na baka balikan sila ng mga rebelde.

Kumilos na ang Sta. Cruz PNP at ang mga kasapi ng 39th IB Philippine Army upang maisagawa ang mas malalimang imbestigasyon at maisampa ang mga kaso laban sa mga suspek.

Nahirapan ang mga alagad ng batas dahil sa halos ayaw ng mga residente sa lugar na magpalabas ng pahayag patungkol sa pagkasunog ng walo mga heavy equipment na pagmamay-ari ng isang pribadong kumpanya.


Extortion ang isa sa mga sinusundang anggulo ng mga otoridad. Rhoderick Beñez/ Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento