AMAS,
Kidapawan City (Aug
26) – Abot sa 80 na mga amateur boxers o mga bagitong boksingero mula sa
Lalawigan ng Cotabato at General Santos City ang nagpalitan ng malalakas na
suntok sa katatapos lamang na Gov Lala Taliño-Mendoza Invitational Boxing Open
sa Alamada Municipal gym, Alamada, Cot nitong Aug 20-22, 2015.
Ayon kay Cot Provincial Sports Coordinator
Romeo Anito, maliban sa pagiging disiplinado ay kinakitaan din ng malaking
potensiyal ang mga lumahok sa boxing tournament na may 39-40 bouts.
Sinabi pa ni Anito na determinado ang mga
boksingero mula sa Midsayap, Antipas, Aleosan, Libungan, Pres.Roxas at
Alamada,Cotabato na maipakita ang kakayahan sa boxing ganundin ang mga
katunggali mula sa Gen San.
Kabilang sa category o catch weight ng Gov
Lala Invitational Boxing Open ay 27 hanggang 63 kilograms kung saan tampok rin
ang ilang mga female boxers.
Ayon naman kay Allan Matullano, tournament
focal person, marami sa mga boksingero ang nangangarap na sumunod sa yapak ni
People’s Champ Manny Pacquiao na nagsimula rin bilang isang mahirap na
boksingero.
Sang-ayon din si Board Member Loreto V.
Cabaya, Jr. isa sa mga namahala sa tournament na sa tamang pagsasanay at
suporta ay malayo ang mararating ng naturang mga boksingero.
Sa kanyang pagbisita sa kasagsagan ng
tournament, sinabi ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga boksingero na
ituloy lamang ang kanilang mga pagsisikap upang makamit ang kanilang pangarap. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento