Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Granada at isa pang eksplosibo, narekober sa isang barangay sa Matalam

(Matalam, North Cotabato/ August 27, 2015) ---Inaalam na ngayon ng Matalam PNP kung sinu o anung grupo ang nag-iwan ng mga explosibo sa isang palm oil plantation na nasa Upper Valdevieso, Brgy. New Bugasong, Matalam, Cotabato ala 1:30 ngayong hapon lamang.

Sa report na nakarating kay PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP narekober ang isang M2O3 40MM Projectile at isang granada sa naturang lugar partikular sa plantasiyon ni Atty. Cerebo.

Agad namang na-detonate ng ilang mga elemento ng bomb squad ng 57th IB, Philippine Army.

Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP isang magsasaka umano sa lugar ang nakikita ng naturang pampasabog kaya agad niya itong inireport sa kanilang brgy. Kagawad sa West Patadon.

Inaalam pa ngayon ng Matalam PNP kung anu ang motibo ng mga suspek sa paglalagay ng pampasabog.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na posibleng pananakot lamang ang motibo ng mga suspek dahil di naman ito pinasabog. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento