(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2015)
---Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ‘speed limit’ sa
National Highway sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi ni Vice Mayor Myra Dulay Bade
kungsaan nito pang buwan ng Hulyo ito naisalang sa deliberasyon sa SB at sa
huli ay naipasa na rin ito.
Pero ayon sa opisyal hindi pa naibalik sa
tanggapan ng Sanggunian kung ito ay nalagdaan na ni Mayor Herlo Guzman Jr. upang ito ay maging ganap ng batas.
Sakali mang mapirmahan na ng alkalde ang
naturang ordinansa ay malaking tulong upang malimitahan ang mga aksidente sa
National Highway at makakatulong din sa pagsugpo ng kriminalidad sa bayan.
Samantala, ito rin ang isinusulong na
panukala ng SB Makilala.
Pero ang naturang ordinansa ay hindi pumasa
sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa kakulangan ng mga dokumento para mapalakas
ang nasabing panukala.
Pero dahil sa mga sunod-sunod na aksidente
sa daan, muling iginiit ni Makilala Municipal Councilor Pedro Ang ang speed
limit ordinance.
Aniya ang implementasyon ng Ordinansa ay
magsisilbing daan para wala ng masayang na buhay dahil sa over speeding at
maprotektahan din nito ang mga mamamayan laban sa mga pasaway na motorista.
Kayaga sa bayan ng Kabacan, posibleng
ipapatupad din ang 30kph-40kph na bilis ng takbo ng mga sasakyan sa mga highway
na matatamaan ng speed limit. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento