(Amas, Kidapawan City/ August 28, 2015) --Ideneklara
ngayon ng Malakanyang ang Setyembre a-1, 2015 na Special Non working Day sa
Probinsiya ng North Cotabato.
Sa isang kalatas na inilabas sa Facebook
Account ni Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael na ang
proclamation 1116 ay pirmado ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na
nagbibigay ng opurtunidad sa lahat ng Cotabateños na makiisa sa ika-101 taong
anibersaryo ng lalawigan.
Ang nasabing proklamasiyon ay nilagdaan
nitong August 27, 2015 sa Malakanyang.
Magiging panauhing pandangal naman sa
nasabing selebrasyon ni dating DILG Secretary Mar Roxas sa gagawing 101
cumination program at Kalivungan 2015. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento