Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Drayber ng Ten Wheeler Truck, nasa kustodiya na ng Kidapawan City PNP; mga sugatan sumampa na sa 32; 1 patay

(Kidapawan City/ August 25, 2015) ---Sumampa na ngayon sa 32 ang sugatan habang 1 ang naiulat na namatay sa nangyaring aksidente sa National Highway partikular sa bahagi ng Balindog sa Kidapawan city alas 7:30 kagabi.

Sa ulat na ipinarating ni PSI Ramil Hojilla, ang CPPO Branch Operation Officer sa DXVL News kinilala nito ang namatay na si Charlie Saldua, 18-anyos, drayber ng isang pampasaherong tricycle at residente ng Kidapawan City.

Sa 32 na mga sugatan, 13 dito ang nasa malubhang kalagayan na patuloy na ginagamot ngayon sa iba’t-ibang mga pagamutan sa lungsod.

Kinilala ang mga sugatan na sina Jasmine Espinosa 28;Rey Alera, 38; Janielou Atamosa, 27;Jessa Sollano, 21; Korren Claire Hilado, 26;Jane Polancos, 36;Jewelle Ybanez, 40;Jonahmae Ybanez ,31;Maria Agnes Bangkal ,47; Cipriano Alisagas, 75; Raffy Santillan, 22;Maria Mangcao, 15; at Grace Samillano, 21.

Ang iba pang mga biktima na nagtamo din ng sugat ay nakalabas na ng ospital.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na inararo ng isang GIGA ten Wheeler truck ang multi-cab, Nissan Navarra, isang kotse, at apat pang iba kasama na dito ang isang pampasaherong multicab.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang truck driver na si Jamel Wamar, 27 na at residente ng Barangay Silik, Pikit, North Cotabato.

Nawalan umano ng preno ang biktima habang binabaybay na ang kahabaan ng national highway, particular sa may Barangay Balindog.

Kagagaling lamang daw niya sa Davao City para maghatid ng karga.

At magaan na daw ang truck nang pabalik na ito ng bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Sakay nito ang kanyang dalawang helper na kapwa rin nasa kustodiya ngayon ng Kidapawan City PNP.

Sinabi ni Superintendent Frank Anito, hepe ng Kidapawan City PNP, kakasuhan ng homicide at multiple frustrated homicide due to reckless imprudence ang tatlo.

Matatandaan na noong Setyembre ng nakaraang taon, sugatan din ang lima katao makaraang araruhin ng school bus ang apat na mga sasakyan na nakahilira sa national highway ng Barangay Balindog, Kidapawan City.

Batay sa ulat, binabaybay ng school bus ng University of Southern Mindanao-Kidapawan City campus (USM-KCC) ang highway ng mawalan ng preno at inararo ang nasabing mga sasakyan.

Minamaneho ni Melvin Calubayan ang school bus na puno ng mga estudyante na lalahok sa isinagawang Sport Unilympics.

Nahulog pa sa kanal sa gilid ng highway ang bus sa layong 500 metro mula sa pinangyarihan ng aksidente.

Maliban dito, taong 2007 din ng 8 katao ang naiulat na namatay habang 40 ang sugatan sa killer highway sa bayan ng Makilala ng inararo din ng dumptruck ang nasa 10 mga sasakyan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento