Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

19-year old na dalaga mula sa Midsayap tinanghal na Mutya ng North Cotabato 2015

Kidapawan City (Aug 27) – Tinanghal na Mutya ng North Cotabato 2015 ang 19-taong gulang na si Jeanebeth B. Sedavia ng Midsayap, Cotabato sa katatapos lamang na Coronation Night ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2015 sa Kidapawan City gymnasium kagabi.

Sa umpisa pa lamang pageant night ay namukod tangi na si Sedavia sa 11 iba pang nagagandahang kandidata dahil sa angking ganda, talino at katangian ng isang Cotabateña.

Sa initial interview portion, tinanong si Sedavia kung ano ang kanyang magagawa upang palakasin ang kampanya sa pangangalaga ng kapaligiran, sinabi nitong malaking tulong ang tamang impormasyon at papel na gagampanan ng bawat isa upang mapalakas pa ang environmental protection.


Sa final question para sa Top 5 na kung sakaling tatanghaling Mutya, ano ang kanilang gagawing aksiyon o programa upang mapalaganap ang kapayapaan sa Kristiyano, Muslim at Lumad, sinabi ni Sedavia na itataguyod niya ang dayalogo sa pagitan ng mga nag-aaway na grupo.

Si Sedavia ay fresh graduate ng kursong Bachelor of Science in Accounting Technology sa Notre Dame of Midsayap College o NDMC Midsayap.

Maliban sa korona ng Mutya ng North Cot 2015, nagwagi din si Sedavia bilang Miss Photogenic.

First Runner-up naman at Best in Playsuit at Best in Gown si Kristine Faith Tero ng Kidapawan City; Second Runner-up si Jeddah Rica Jickain ng Midsayap, Third runner-up si Jessa Pearl Lopez ng Pigcawayan at Fourth Runner-up si Venus Jhade Villavicencio ng Magpet.

Lahat sila ay tumanggap ng mga cash, trophies, sash at bouquets mula sa Provincial Government of Cotabato.

Sina Bb. Pilipinas-Universe 2015 Pia Wurtzbach at model –indie film actor Aldrico Padilla ang host ng coronation night na dinagsa ng abot sa 4,000 katao.

Kabilang sa mga Board of Judges sina Bb. Pilipinas-International 2007 NadiaLee Shami, Century Tuna Superbod 2015 1st Runner-up Laurence Octavio Willen Tolenaars, international model at Miss Philippine Airlines 2015 Kylie Versoza, GMA 7 lead actor para sa teleseryeng ‘The Rich Man’s Daughter’ na si Bryan Bennedict at international fashion designer na si Leo Almodal.

Pinasalamatan naman ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang lahat ng mga nanood ng coronation night at ang bawat isa sa patuloy na pagsuporta sa “Serbisyong Totoo”.

Pinasalamatan din niya ang Kidapawan City LGU sa kooperasyon at koordinasyon upang matiyak ang tagumpay ng aktibidad.

Ang Search for the Mutya ng North Cotabato 2015 ay isa sa mga highlights ng ika-101 anibersaryo ng Lalawigan ng Cotabato sa Sep 1, 2015 at Kalivungan Festival ngayong taon. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center/Photos by SIDNEY NANINI)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento