(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2015)
---Suportado ng mga konsumedures ng Kabacan Water District ang mga nakalatag na
programa at proyekto ng KWD bagay namang sinuportahan nila ang isusulong na
water rate adjustment sa susunod na taon.
Ito ang lumabas sa isinagawang public
hearing ng KWD sa planong pagtaas ng singil sa bayarin ng tubig sa bayan ng
Kabacan.
Sa panayam ng DXVL News kay KWD General Manager
Ferdie Mar Balungay kungsaan ipinaliwanag nito na ang pagtataas ng singil sa
tubig ay sa susunod pa na taon 2016, buwan ng Abril.
Aniya, mahigit sampung taon na na hindi
nagkaroon ng water rate adjustment ang KWD mula taong 2005 hanggang sa
kasalukuyan ay 157 pesos ang minimum rate ng KWD.
Patuloy umano ang pagtaas ng mga bilihin at
mga gastusin kung kaya’t kailangan ng magkaroon ng pagtaas sa singil.
Paliwanag pa niya na sa susunod na taon ay
11% ang itataas ng singil kaya mula sa 157 pesos na minimum rate ay magiging
175 pesos na ito.
Inihayag din ng opisyal na 19 baranggay na
sa 24 baranggay ng Kabacan ang naseserbisyuhan ng KWD. Limang brgy na lang umano
ang di pa naabot ng KWD ang Brgy.
Buluan,Simone,Simbuhay, Tamped at Nangaan.
Ang katatapos lamang umano na naabot ng
serbisyo ng tubig ay ang Sitio Trenta ng Brgy. Pedtad at kasalukuyan umano
ngayong tinatrabaho ang serbisyo ng KWD sa Brgy. Sanggadong.
Sa kalatas na inilabas ng Kabacan Water
District ay isa sa may pinaka mababang singil ng tubig sa buong Mindanao ang
Kabacan Water Distict.
Kabilang sa mga dumalo kanina ay ang ilang
mga kasapi ng Board of Directors na pinangungunahan ni Chair Director Arturo
Anulao, MD, Dr. Rocky Passion, Atty. Ed Apuhin.
Isa-isa ring ipinaliwanag nina Ms. Eleonor
Villarla, Engr. Antonio Espeso III, Ms. Corazon Frigillana ang mga tungkulin ng
kanilang departamento at ang mga ginagawang hakbang ngayon ng KWD. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento