Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

8 patay sa Road Mishap sa National Highway ng Tacurong City

(Tacurong City/ August 30, 2015) ---Nauwi sa malagim na trahedya ang sanay masayang reunion ng isang pamilya matapos masangkot sa road accident ang isang town ace at 10 wheeler truck sa National Highway ng Tacurong City, pasado alas 4:00 ngayong hapon lamang.

Ayon sa report dead on the spot ang driver ng town-ace na si Police Officer 1 Dennis Sancho na kasapi ng Ezperanza Police Station kungsaan pareho ding dead on the spot ang pitong mga kasapi ng pamilya nito na sakay ng Van.

Sa inisyal na pagsisiyasat buhat ang mga biktima sa isang reunion sa Monte Vicencio Resort sa New Passi, Tacurong City at pauwi na sana sa Ezperanza, Sultan Kudarata nang makaenkwentro nila ang 10 wheeler truck na minamaneho nama ng isang nag ngangalang Minyung.


Ang nabanggit na truck ay pabalik na sana ng bayan ng Tulunan matapos makakuha ng mga produktong palay sa brgy. Kapinkong, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang ibang mga sakay sa nabanggit na town ace na umano puno ng pasahero sa private hospital ng Quijano Saint Louis sa bayan ng Tacurong.

Nasa kustodiya na rin ng Tacurong City PNP ang driver ng truck na nahaharap naman sa kasong Reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple frustrated homicide.


Patuloy ding iniiimbestigahan ng mga otoridad insidente habang inaalam din nila kung totoo bang pumutok ang brakes ng 10 wheeler truck at kung totoo ring nakatulog ang driver ng town-ace na si PO1 Sancho nang mangyari ang aksidente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento