Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamamaril sa isang negosyante sa bayan ng Matalam, patuloy na iniimbestigahan

(Matalam, North Cotabato/ September 2, 2015) ---Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding tandem sa Purok Santol, brgy.Central Malamote, Matalam North Cotabato pasado alas singko ng hapon kamakalawa.

Kinilala ni PCI Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Junas Dayangco, 35 anyos, na residente sa Purok 8, Barangay Inas, M’lang.


Ayon sa report ng Matalam PNP, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo kasama ang asawa at anak nito galing sa kanilang tindahan sa poblacion Matalam pauwi na sana sa kanilang bahay sa Mlang. Pero habang binabaybay  ng biktima ang Mlang-Matalam Highway at pagdating nila sa bahagi ng Purok Santol, brgy.Central Malamote, ay pinagbabaril na sila ng dalawang di pa kilalalng suspek.

Agad namang isinugod sa pagamutan sa Kidapawan City ang biktima na nagtamo ng tama ng mula sa caliber 45 pistol sa kanyang kaliwang panga, ayon sa report ni SPO2 Froilan Gravidez.

Tinutugis na ngayon ng Matalam PNP ang responsable sa krimen habang patuloy din nilang inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento