Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Datu Ambel National High School ng bayan ng Matalam, Kampeon sa Street Dancing competition ng Kalivungan Festival 2015

(Amas, Kidapawan City/ September 1, 2015) ---Pormal ng nagtapos ngayong araw ang isang linggong selebrasyon ng Kalivungan 2015 at ang ika-101 taong anibersaryo ng lalawigan ng North Cotabato sa pamamagitan ng isang culmination program na pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City kanina.

Highlight sa nasabing aktibidad ay ang street dancing and showdown competition kungsaan naiuwi ng Datu Ambel National High School (KALILINTAD PERFORMING ARTS) ng bayan ng Matalam, North Cotabato ang kampeonato (kalahating Milyun).
Consolation Prizes:

Dilangalen National High School (GRUPONG MIDYAYONG) ng Dilangalen, Midsayap, North Cotabato

Pikit National High School (GRUPONG PIKITEÑO) ng Pikit, North Cotabato

Kabacan National High School (PANGKAT NG MGA KABAKEÑOS) Kabacan, North Cotabato

Carmen National High School (GRUPONG KAMANGGARAN) Carmen, North Cotabato

Lika National High School (GRUPONG LIKA-ANON) Lika, Mlang, North Cotabato

Samantala sa kanyang mensahe, iginiit ng gobernador na ang mga pagpapalang natatanggap ng Cotabato ay dahil na rin sa pakikiisa at pagtutulungan ng bawat isa.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang ground breaking ceremony ng two story building ng Cotabato Provincial Hospital.

Sinabi ni Gov. Lala na may nakalaan ng budget na abot sa P50M ang naturang tertiary ospital.

Naging panauhing pandangal naman sa nasabing programa ni 3rd District Rep. Lenie Robredo ng Camarines Sur sinabi nitong malayo na ang narrating ng lalawigan at patuloy na umaangat ang probinsiya dahil sa mga tinatamasa nitong pagpapala.

Ang opisyal ay nagpatawag din ng presscon kagabi kaugnay naman sa planu nitong pagtakbo sa 2016 bilang senador. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento