04: 45PM
Muli na namang niransak ng mga di pa nakilalang mga salarin ang College of Agriculture ng University of Southern Mindanao kaninang madaling araw.
Sa inisyal na report ng Kabacan PNP, pwersahang sinira umano ng mga kawatan ang main door ng nasabing gusali sa pamamagitan ng pagtanggal ng plywood cover sa man hole na lalagyan ng aircon para gawing daanan.
Pinasok ng mga di pa nakilalang mga salarin ang agronomy office sa pamamagitan ng pagsira ng padlock ng pintuan at tinangay ang isang unit ng brand new LCD na nagkakahalaga ng P30,000.00.
Maging ang College of Agriculture Library ay hindi din pinalampas ng mga kawatan kungsaan ninakaw mula sa nasabing silid-aklatan ang isang unit ng cellphone, isang unit ng cellphone Charger at di matukoy na halaga ng mga coins.
Hindi pa makuntento ang mga ito, sinira din nila ang padlock ng pintuan ng Guidance Office ng nasabing kolehiyo.
Natangay din ng mga salarin ang isang unit ng disc top computer matapos na pinasok din nila ang LSG Office ng nsabing kolehiyo.
Ito na ang pangatlong insedente ng panloloob sa nasabing kolehiyo.
Kung maalala noong nakaraang buwan, abot sa dalawampung libong piso ang nalimas ng mga magnanakaw buhat sa opisina ng Dean ng kolehiyo ng maganap din ang kahalintulad na insedente.
Patuloy ngayong iniimbestigahan ang nasabing pangyayari.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento