Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagtanggal ng DPAF, ilang mga konstruksiyon, maaantala -DPWH Cotabato 1st Engineering District

(Kidapawan City/ April 7, 2014) ---Posibleng mahinto ang abot sa 74 na mga proyekto ng DPWH Cotabato 1st Engineering District.

Ito ang ibinunyag ni DPWH 1st Engineering District, Construction Section Chief Engr. Ernesto Camposano matapos tanggalin ang pork barrel ng mga kongresista.


Ayon kay Camposano nagsimulang maantala ang konstruksyon ng mga multipurpose building, road projects at iba pa noong ikalawang semester ng 2012 hanggang sa unang bahagi ng taong 2013.

Aniya, abot sa humigit kumulang 19 million pesos ang halaga ng mga proyekto mula sa ilang kongresista maging sa bise presidente ang naantala at posibleng tuluyan nang mahinto dahil sa pagbasura sa PDAF.


ISA naman sa nakikitang paraan ni Camposano upang maipagpatuloy ang naturang mga proyekto ay ang pagpursige ng mga Barangay Local Government Unit na makakuha ng pondo mula sa ibat ibang ahensya ng gobyerno kung saan inilipat ang pondo na para sana sa pork barrel ng mga kongresista.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento