(Kabacan, North Cotabato/ April 5, 2014) ---Matapos
na maaresto ang isang notoryos na carnapper at lider ng robbery hold-up nitong
Marso a-14 sa bayan ng Kabacan ay isinilbi na sa kanya ang Warrant of Arrest
alas 9:00 ng umaga kahapon.
Kinilala ang suspek na si Kadil Sultan
Dandang na nahuli ng mga otoridad dahil sa pagdadala ng armas na may paglabag
sa illegal possession of firearms sa highway check sa may bahagi ng brgy.
Osias, Kabacan, Cotabato.
Nabatid na ang suspek ay lider ng isang
robbery hold-up group na may operasyon sa probinsiya ng North Cotabato at
Bukidnon.
Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung ay
suspek ay sangkot sa mga nagdaang kriminalidad sa bayan ng Kabacan.
Napag-alaman pa na si Dandang ay may
standing warrant of arrest hinggil sa kasong carnapping na may crime case
number 25130-14 na inisyu sa sala ni Judge Emmanuel Pasal ng RTC Branch 10,
Malaybalay City, Bukidnon.
Ang warrant of arrest ay isinilbi kahapon ng
umaga ng mga pulis mula sa Damulog sa suspek habang nakapiit ito sa Kabacan
lock up cell. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento