Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brownout sa North Cotabato posibleng humaba pa ng anim na oras kada araw ngayong summer – ayon sa Cotelco

(Kidapawan city/ April 7, 2014) ---Posibleng humaba pa ng anim na oras ang brownout na nararanasan sa Kidapawan City at iba pang bahagi ng North Cotabato ngayong papatindi na ang tagtuyot.

Ito ang naging pagtaya ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.   


Sinabi ni Cotelco spokesman Vicente Baguio, patuloy sa pagbaba ang level ng tubig sa mga planta ng Agus sa Lanao del Sur at Pulangi sa Bukidnon dahil sa matinding init.

Kung dati ang brownout ay umaabot lang sa isa hanggang dalawang oras, posible na tumagal ito ng mula anim hanggang walong oras.

Ito, ayon kay Baguio, ay kung di agad mabibigyan ng solusyon ang matinding kakulangan sa suplay ng kuryente para sa North Cotabato.

Sa ngayon, kumukuha ng kuryente ang Cotelco mula sa Agus at Pulangi hydro-electric power plants ng National Power Corporation at sa diesel-fed power barges ng Therma Marine, Inc..

Pero dahil kapos ang suplay ng kuryente sa Mindanao, di nito kayang tugunan ang pangangailangan ng Cotelco at ng iba pang electric cooperative sa buong isla.

Sa ngayon, ayon kay Baguio, ay pumapalo sa 17MW ang nakukuhang kuryente ng Cotelco kada araw – 9MW nito mula sa Napocor at 8MW mula sa TMI – halos 52 porsiento na mas mababa kaysa sa kabuuang pangangailangan nito na 36MW. Malu Cadeliña Manar


0 comments:

Mag-post ng isang Komento