Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampanya kontra illegal na sugal at droga, pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2014) ---Mas pinaigting ngayon ng mga kapulisan ang kanilang kampanya kontra illegal na sugal sa Kabacan.

Ayon kay PSupt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP isang 20-anyos na dalaga ang kanilang nahuli dahil sa paglabag sa illegal gambling o mas kilala sa tawag na last two.


Kinilala ang suspek na si Juliet Roduta Ladia residente ng Purok Katipunan, Brgy. Kibudok, Matalam, Cotabato.

Nahuli ang suspek sa may bahagi ng National Highway corner Sinamar 1, Poblacion ng bayang ito.
Nanguna sa pag-aresto sa suspek si PIsnp. Joel Tres Reyes kungsaan nakuha mula kay Ladia ang ilang mga gambling paraphernalia at bet money na nagkakahalaga ng P545.00.

Samantala, huli naman ang isang Jun-jun Ricanor Pulido, 24, residente ng Rizal Avenue, National Highway, Poblacion ngbayang ito.

Nahuli ang suspek sa bisinidad ng Tomas Caludio St., Purok Krislam, Poblacion Kabacan, Cotabato alas 11:40 kagabi.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang 1 plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.
Kapwa nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang dalawang mga suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento