(General Santos City/ April 10, 2014) ---Pormal
nang inilunsad ng Department of Agriculture ang panibago nitong proyektong
development ng mga idle land kamakailan.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary
Proceso Alcala, Senator Cynthia Villar,
Mindanao Development Authority Secretary Luwalhati Antonino at Regional
Executive Director Amalia Jayag-Datukan ang isang ceremonial planting bilang
opisyal na pagsisimula ng nabanggit na proyekto sa Rehiyon Dose.
Naging cooperator ang Civil Aviation
Authority of the Philippines – Employees’ Cooperative (CAAP-EMCO) sa pangunguna
ni Chairman Eugene Mianagua na pinagkalooban ng 110 bundles ng cassava, 2 bags
ng Urea, 2 bags ng Potash, 2 bags ng complete fertilizer, 15 bags ng organic
fertilizer, at mga planting materials para sa kanilang cassava production
project.
Ayon kay Direktor Datukan, ang pagpapatupad
ng development of idle land project ay bahagi ng mga inobasyon at kampanya ng
DA upang makatulong sa pagtatamo ng Food Staples Self-sufficiency Program o
FSSP ng Pilipinas.
Sa
pamamagitan ng proyektong ito, nagbibigay ang Kagawaran ng mga planting
materials, agricultural inputs at iba pang mga assistance sa mga napili at mga
interesadong magiging cooperators. Pinapahiram din sila ng mga makinarya gaya
ng traktora para mas maayos na maihanda ang lupang kanilang tatamnan.
Maliban sa cassava production project,
maaari ring magmungkahi ng iba pang mga proyekto ang cooperator gaya ng white
corn production, vegetable production at iba pa batay sa kanilang
pangangailangan at kagustuhan.
Hinamon naman ni Secretary Alcala ang
pamunuan ng DA 12 na gawing mas komprehensibo ang proyekto sa pamamagitan ng
pagdagdag ng mga proyektong pangkabuhayan gaya ng pag-aalaga ng iba’t ibang uri
ng hayop at iba pa. Lito Salvo/DA 12
0 comments:
Mag-post ng isang Komento