(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014)
---Abot sa 87 mga tricykad at 23 mga motorsiklo ang ngayon ay naka-mpound sa
Kabacan Municipal compound sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra
anti-carnapping at anti kolurom sa Kabacan.
Ito ayon kay Traffic Management Unit Head
Ret. Col. Antonio Peralta ng LGU Kabacan.
Ang nasabing kampanya ay sinimulan pa nitong
nakaraang linggo.
Karamihan sa mga nahuli ay hindi mga
residente ng Kabacan ang mga draybers at walang mga rehistro ang motor, walang
ring id at sticker na nagpapatunay na mga kolurom ang mga ito, ayon kay
Peralta.
Samantala, naka-impound naman ang ilang mga
single motorcycle dahil sa gumagamit ang mga ito ng modified mufflers, expired
ang OR at CR ng motor.
Sinabi ni Peralta na layon nito na masawata
ang mga kriminalidad at upang malinis sa kolurom na mga draybers at operators
ng tricycab ang Kabacan.
Ito para na rin maiwasan ang nangyari nitong
nakaraang araw kungsaan isang pasahero ang nasugatan matapos na lumundag sa
tricycle na kanyang sinakyan ng hindi ito ihatid sa tamang lugar. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento