(Arakan, North Cotabato/ April 11, 2014)
---Natusta sa sunog ang isang tatlong taong gulang na bata matapos na maiwan
ito sa ikalawang palapag ng bahay na nasusunog sa Barangay Alab, Arakan, North
Cotabato alas 7:00 kagabi.
Sa ulat ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan
PNP kinilala ang biktima na si Riezel Bangoy,3-anyos at apo ni Leo Arandilla,
may ari ng bahay at kapitan sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naiwang kandila ang pinagmulan
ng apoy dahil kasagsagan ng brownout sa lugar habang natutulog umano ang bata
sa ikalawang palapag ng bahay.
Napansin na lamang ni Kapitan na malaki na
ang apoy at di na rin nilang nagawa pang iligtas ang bata.
Makalipas ang tatlong minuto ng maapula ang
apoy pero sunog na ang biktima.
Gawa kasi sa light materials ang bahay kaya
mabilis ang pagkalat ng apoy. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento