Written
by: Jimmy Sta. Cruz
AMAS,
Kidapawan City (Apr. 5) – Sa kauna-unahang pagkakataon
matapos makoronahan bilang Bb/ Pilipinas-Universe
2014 noong Marso 30 , 2014, babalik muli
sa lalawigan ng Cotabato si Mary Jean MJ Lastimosa sa April 8, araw ng Martes.
Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, ito ay patunay ng commitment at pasasalamat ni MJ sa suporta na
ibinigay sa kanya ng Provincial Government of Cotabato at sa mga mamama yan ng
lalawigan.
Sa pagitan ng alas-otso at alas-nuebe ng umaga sa Martes
ay inaasahang darating si MJ sa kapitolyo at dederetso sa Provincial Governor’s
Office (PGO) para sa courtesy visit sa gobernadora.
Matapos nito ay dadalo si MJ sa pagbubukas ng Sayaw Kutawato
2014 sa provincial gymnasium , isa sa naglalakihang aktibidad ng Cotabato
Centennial Celebrations.
Pasasalamatan din ni MJ ang mga Cotabateños sa lahat ng
mga panalangin at suporta para sa kanya.
Inaanyayahan naman ang lahat ng pupunta sa kapitolyo na magsuot
ng kulay-pulang damit na sumisimbolo ng mainit na pagtanggap kay MJ at sa
kanyang pagkapanalo bilang Bb. Pilipinas-Universe ngayong taon.
Maglalaan din ng oras si MJ para sa autograph o fan
signing si MJ kaya’t tiyak na lubos ang kasiyahan ng mga Cotabateño.
Tiniyak naman ni Gov. Taliño-Mendoza ang seguridad sa
pagbisita ni MJ sa kapitolyo at ang maayos na pagtanggap kay MJ.
Samantala, inaasahan din na matapos ang pagbisita ni MJ
sa kapitolyo sa April 8 ay muli na naman siyang babalik sa Sep. 1, 2014 sa
mismong ika-100 taon ng lalawigan ng Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento