(Aleosan, North Cotabato/ April 7, 2014) ---Bumagsak
sa kamay ng mga otoridad ang tatlong mga carnapper makaraang mahuli ng mga
otoridad sa bisinidad ng provincial road, partikular sa balay Mindanao, brgy. San
Mateo, Aleosan, North Cotabato alas 8:40 ng gabi nitong Sabado.
Kinilala ni PSI Zean Paul Cubil, hepe ng
Aleosan PNP ang mga naaresto na sina Nonoki Cuta Luay, 25, may asawa at
residente ng Batulawan, Pikit, Cotabato; Habel Luay, 23 at Abubakar Pandian,
nasa tamang edad at kapwa residente ng nasabing lugar.
Ang tatlo ay itinuturong suspek na responsable
sa pagtangay ng motorsiklo ni Jenie Cantallopez Calambro, 37, residente ng San
Mateo bayan ng Aleosan na kulay pulang Kawasaki CT100 na may license plate
3159MK.
Sa tulong ng mga residente sa lugar ay
na-korner ang mga suspek at agad nan a-i-turn-over sa pulisya.
Sa isinagawang body search sa mga suspek,
isa sa kanila pumalag at may inilabas ito mula sa kanyang bulsa, pero agad
namang itong nakontrol ng mga otoridad.
Nakuha mula sa nito, ang isang granada na
MK2 fragmentation grenade, ilang susi o improvised master’s key para sa
pagnakaw ng mga motorsiklo, tatlong mobile phones, wallet at cash na naglalaman
ng P200 at isang Castrol oil para pang gasolina sa motorsiklong nabibiktima
nilang nakawin.
Sa ngayon nasa Aloesan lock-up cell ang
tatlo habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at interogasyon ng Aleosan PNP
kung ang mga suspek ay sangkot sa mga nakaraang nakawan ng motorsiklo sa
Aleosan at karatig na lugar sa bayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento