(Kidapawan City/ April 7, 2014) ---PATAY ANG
ISANG DISE NUEBE ANYOS NA LALAKI MATAPOS NA BARILIN NG DI PA NAKILALANG SUSPEK
SA PLARIDEL STREET BARANGAY POBLACION KIDAPAWAN CITY BANDA ALAS DOSE TRANTAY
SINGKO NG HAPON NOONG SABADO.
KINILALA ANG BIKTIMA NA SI MARLON CAIN
CACAYAN, RESIDENTE NG RIZAL STREET KIDAPAWAN CITY.
AYON SA REPORT MULA SA KIDAPAWAN CITY PNP
HABANG NAGLALAKAD ANG BIKTIMA AY BIGLA NA LAMANG DUMATING ANG DI PA NAKILALANG
MGA MOTORCYCLE RIDING CRIMINALS.
NAGTAMO NG TAMA NG BARIL SA IBAT IBANG PARTE
NG KATAWAN ANG BIKTIMANG SI CACAYAN AT NAGRESULTA SA AGARAN NITONG KAMATAYAN.
NARECOVER SA CRIME ANG ILANG BASYO NG BALA
MULA SA 9MM AT CALIBER 45 PISTOL.
PAGKATAPOS NG INSIDENTE AY AGAD NA TUMAKAS
ANG MGA SUSPEK PATUNGO SA DI MALAMANG DIREKSYON.
PERSONAL GRUDGE ANG ISA SA MGA MOTIBO NA
TINITINGNAN NG MGA OTORIDAD DAHIL NARINIG RAW NG ILANG MGA RESIDENTE NA
NAGTATALO PA ANG MGA SUPEK AT ANG BIKTIMA BAGO UMALINGAWNGAW ANG PUTOK SA ERYA
KUNG SAAN NANGYARI ANG KRIMEN. DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento