(Kabacan, North Cotabato/ April 4, 2014) ---Malaking
porsiento ang ibinaba ng kaso ng dengue nitong nakalipas na buwan kung
ikukumpara noong buwan ng Pebrero.
Ito ang napag-alaman sa pinakahuling report
na inilabas ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.
Napag-alaman na nakapagtala na lamang ng
dalawang kaso ng dengue ang kanilang tanggapan buhat sa iba’t-ibang mga health
center ng bayan at ospital.
Nabatid na nitong buwan ng Pebrero
nakapagtala sila ng pitong kaso ng dengue.
Sa kabila nito, nananawagan naman ni
Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu, Jr. na panatilihin ang kalinisan sa
loob at labas ng tahanan.
Samantala, nadagdagan na naman ang kaso ng
Sexually Transmitted Infection o STI partikular na ang sakit na Syphilis.
Sa report ng RHU Kabacan, dalawang
taga-Kabacan ang na monitor na may STI, 11 naman ay buhat sa bayan ng Pikit at
sa Kabacan nagpasuri, 1 sa bayan ng Carmen at 3 buhat sa bayan ng Matalam.
5 kaso naman ng STI ang naiulat mula sa
Pagalungan, Maguindanao.
Ayon sa ulat karamihan sa mga tinatamaan ng
naturang sakit ay mga kababaihan na may edad 20-29 anyos, ayon kay Cabellon.
Ang sexually transmitted infections o STI ay
isang sakit na naipapasa sa pakikipagtalik o mga sakit na nakukuha sa
pakikipagtalik.
Dagdag pa ni Cabellon, nanggagaling ang mga
sakit na nakukuha sa pakikipagtalik mula sa mga mikrobyong nasa ibabaw ng balat
ng tao, at maging mula sa mga likido ng katawan, katulad ng semilya ng mga
nahawaang lalake, pluwido sa mga ari ng mga nahawaang babae, o mula sa dugo ng
parehong lalake at babae.
Kumakalat ito sa mga kulani dahil ang organismo
ay sumasama sa sirkulasyon ng dugo. Higit na grabe ang sakit na ito kaysa sa
gonorrhea at tulo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento