(Manila/ March 31, 2014) ---Sakaling lumala
ang tag-init, handa ang Department of Agriculture na magsagawa
ng cloud seeding, ayon mismo kay
Agriculture Secretary Proceso
Alcala.
Sa
isang pulong kasama ang
ilang miyembro ng
media sa SOCCSKSARGEN Region
nitong nakalipas na linggo, kinumpirma ni
Secretary Alcala na
may “standing order” na siya
kay Bureau of Soils and Water
Management (BSWN) National Director Silvino
Tejada na bantayang mabuti ang epekto
ng tag-init sa iba’t ibang bahagi
ng Pilipinas.
Nagpalabas na rin siya ng kaparehong direktiba sa mga regional executive director ng DA upang
agad makapagsagawa ng cloud seeding kung kinakailangan.
Siniguro rin ng kalihim na may sapat na pondo ang Departamento para sa naturang gawain.
Samantala, ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia
Jayag-Datukan, nitong unang
bahagi ng Marso nakipag-ugnayan na siya
kay Director Tejada
para ihanda ang pagsasagawa
cloud seeding sa ilang bahagi
ng SOCCKSARGEN Region.
Nakatakda na sanang magsagawa
ng cloud seeding ang BSWN subalit hindi
ito itinuloy dahil sa pag-uulan nitong nakalipas
na mga araw.
Tiniyak naman
ni Director Datukan na
patuloy ang kanilang
paghahanda sakaling mas lalala
ang epekto ng tag-init.
Paalala naman ni
Secretary Alcala sa mga magsasaka, agad
iulat sa pinakamalapit na tanggapan ng DA sakaling
aabot na sa dalawang
linggo ang matinding init
at walang ulan sa kanilang
lugar lalung lalo na kung may mga
nakatayo pang pananim na lubhang
masasalanta dahil sa kawalan ng ulan.
Gayunman, nilinaw nito na
may ilang bagay na
kinokonsidera sa pagsasagawa ng cloud seeding tulad ng
pagkakaroon ng mga ulap na magagamit sa cloud seeding at
direksyon ng hangin na
magdadala ng mga ulap sa mga
lugar na dapat ulanin. Danilo Doguiles-PIA12/ DXVL Radyo ng Bayan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento