Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Korona ni Lastimosa nagpabago sa imahen ng Tulunan -- ayon kay Mayor Candolada

(Tulunan, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Namamayani sa puso ng mga taga-Tulunan ang ibayong tuwa matapos makuha ng kanilang kababayan na si Mary Jean Lastimosa ang korona bilang Bb Pilipinas-Universe.

Sinabi ni Tulunan Mayor Lani Candolada na binago ng korona ni Lastimosa ang imahen ng Kanilang bayan.


Dati, ayon kay Candolada, ang Tulunan ay sentro ng armadong bakbakan sa pagitan ng mga naglalabang puwersa.   Binabayo rin ng bagyo at iba pang mga natural na kalamidad ang bayan.

At ang panalo ni Lastimosa ay nagpabago sa imahen ng Tulunan – na hindi lamang pala ito bayan ng bakbakan at bagyo, kundi lugar na pinagyaman sa natatanging ganda, lalo na ng Kanilang kababaihan.

Si Lastimosa ay tubong Barangay Sibsib, Tulunan.   

Nagtapos siya sa elementary at sekundarya sa natura ring barangay.

Nito’ng Linggo, kinoronahan si Lastimosa bilang bagong Bb Pilipinas-Universe sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.   

Napili rin siya bilang Best in Swimsuit.

Naging saksi sa koronasyon ni Lastimosa si Cotabato Governor Lala Talino-Mendoza na sumuporta sa beauty titlist simula pa no’ng mapili siya bilang top 40 sa beauty pageant.

Naroon din sa coronation night ang pamilya at mga kaanak ni Lastimosa, at daan-daan pang mga kababayan mula sa North Cotabato.


Si Lastimosa, ayon kay Governor Mendoza, ang magiging honored at special guest sa darating na centennial celebrations ng probinsiya ngayong buwan ng Setyembre. Malu Cadaleña Manar

0 comments:

Mag-post ng isang Komento