Written by: Jimmy Santacruz
(AMAS, Kidapawan City/ March 31,
2014)--- MAPALAD ang probinsiya ng Cotabato dahil sa pagkakaroon nito ng mga
tapat at mahuhusay na babaeng lideres.
Ito ang sinabi ni Anak Mindanao o
AMIN Party List Representative Sitti Djalia Turabin-Hataman sa kanyang
pagbisita sa Provincial Capitol ng Cotabato bilang panauhing pandangal ng
culmination activity ng International Women’s Month nitong Huwebes.
Kasama ni Rep. Hataman ang kanyang
asawang si Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman
sa pagpunta sa kapitolyo upang dumalo sa naturang aktibidad.
Sinabi ni Rep. Hataman na hindi na kailangang
tumingin pa sa malayo o sa ibang lugar ang mga Cotabateno upang makita ang
katapatan at husay sa paglilingkod ng mga babaeng lider ng lalawigan.
Sinabi rin ng mambabatas na seryoso
ang mga kababaihang pinuno sa pangunguna ni Gov., Emmylou “lala” J.
Taliño-Mendoza sa pagpapatakbo ng pamahalaang panlalawigan upang lalo itong
maging maunlad at mapayapa.
Kasama ng gobernadora bilang partner
sa paggawa ng mga batas at sa implementasyon ng mga programa at proyekto ng
Provincial Govt. of Cotabato ang mga babaeng Board Members na sina Maybele
Valdevieso, Shirlyn Macasarte, Dulia Sultan, Airene Claire Pagal at Ivy
Dalumpines-Ballitoc.
Ang naturang mga babaeng board
members ay dumalo at nakiisa sa culmination ng International Women’s Month sa
Cot province na ginanap naman sa provincial
gymnasium.
Saludo naman ang maraming mga
women’s advocates at women’s rights groups sa mensahe ni Rep. Hataman kung saan
binigyan pansin din at binigyan niya ng
kaukulang paggalang ang mga ordinaryo o common women tulad ng mga nanay o
maybahay na buong pusong inaalagaan ang kanilang mga pamilya.
Ayon pa kay Rep Hataman, dapay ay
bigyang ng respeto at paggalang ang kababaihan dahil katuwang sila ng mga
kalalakihan sa pagbuo ng isang mapayapa at maunlad na komunidad.
Tema ng international women’s month
ay “Juana, Ang Tatag Mo ay Tatag Nating Lahat sa Pagbangon at Pagsulong”.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento