(Dolores, Quezon/March 31, 2014) ---Isang damo
na tinatawag na Sampinit or Philippine Wild Raspberry
ang unti-unti nang nakikilala
ngayon dahil ilang
mga produktong nagagawa gamit ang kanyang prutas at dahon.
Sa
pagbisita ng ilang miyembro ng
media ng mula sa SOCCSKSARGEN Region sa Dolores, Quezon Province nitong nakalipas na
linggo, ipinagmalaki ni Dion Pullan, may-ari ng Bangkong
Kahoy Village sa paanan
ng Mt. Banahaw, na pinagkakakitaan
na nila ngayon ang Sampinit
na dati damo lamang
na nakakalat sa mga sakahan
at mga nakatiwangwang na lupa.
Ani
Pullan, nakakagawa na
sila ng juice, jam,
at alak na pawang organiko
gamit ang prutas nito. Nagagawa ring
tsaa ang dahon ng nasabing tanim.
Maliban pa ito sa hinog na
prutas na naipagbibili
rin sa halagang P400
hanggang P700 kada
kilo.
Samantala, ayon kay
Dolores Municipal Agriculturist
Anniewenda Reyes, nagpapatuloy ang kanilang pagsusuri
kung paano mapapalawak ang
pagtatanim ng Sampinit dahil ngayon
hindi ito namumunga ng
sapat kung itinatanim sa
sakahan katulad ng mais
at mga gulay.
Karamihan aniya ng mga
napoprosesong produkto ay nagmumula
sa mga Sampinit na natural tumutubo kasama ang iba pang
mga damo.
Dagdag pa ni Reyes, mayroong mahigit 30
klase ng Sampinit, anim dito
ang nakitaan ng potensyal para sa
commercial production. Danilo Doguiles-PIA12/ DXVL Radyo ng Bayan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento