Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor at Vice Mayor ng Midsayap, North Cotabato; sinuspende!

(Midsayap, North Cotabato/ April 4, 2014) ---Binakante na ng alkalde at bise alkalde ng bayan ng Midsayap, Cotabato ang kanilang posisyon makaraang patawan ng suspension dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.

Umalis sa kanilang puwesto sina Mayor Romeo Araña at Vice mayor Albert Garduque makaraang ipinalabas ng provincial government ng Cotabato ang 30-days preventive suspension laban sa kanila.


Nag-ugat ang kaso sa pagpahinto sa konstruksyon ng kanilang palengke dahilan kung bakit umalma ang Marcos construction na siyang nanalo sa bidding noong nakaraang administrasyon.

Ang suspension ng dalawang opisyal ay dumaan rin diumano sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kaugnay nito, pansamantalang umuupo bilang OIC Mayor si Konsehal Morata Mantel habang OIC Vice mayor naman si Konsehal Rogelio Ye.

Napag-alaman na ang suspension order ay magbibigay daan sa masusing inbestigasyon sa kaso.
Hindi pa nagbigay ng pahayag ukol dito ang provincial government ng Cotabato. Malu Manar


0 comments:

Mag-post ng isang Komento