Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Exploration ng Geothermal sa bayan ng Magpet, North Cotabato; di pa nagsisimula –ayon sa Aboitiz Power Company

(Kidapawan city/ April 1, 2014) ---Inihayag ni Aboitiz Branding and Communication Manager for Mindanao Wilfredo Rodolfo na hindi pa nagsisimula ang geothermal exploration ng kanilang kompanya.

Sakaling magsisimula ito, magsasagawa muna sila ng consultation at pagpupulong sa mga stakeholders nito sa lugar, para maipaliwanag ang nasabing proyekto.


Ginawa ng opisyal ang pahayag sa DXVL News kahapon matapos ang ilang pagtutol ng mga Indigenous People o Ip’s sa lugar.

Sa ngayon, sinabi ni Rodolfo na may service contract na silang hawak na may pahintulot mula sa Department of Energy o DOE pero ang pagpapatayo ng planta sa lugar ay hindi pa ito aprubado.

Kung sakaling magiging operational ito, tiniyak ng Aboitiz na hindi rin madedehado ang North Cotabato, partikular na ang service area na sakop ng Cotelco Main at PPALMA. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento