(Kidapawan city/ April 3, 2014) ---Abot sa
P42 million ang umano nakulektang revolutionary taxes ng New Peoples’ Army o
NPA sa mga negosyante, pulitiko, at mga residente mula sa ikalawang distrito ng
lalawigan ng North Cotabato.
Mismong si Lt Col Noli Vinluan, ang
commander ng 57th IB, ang nagbunyag nito sa Peace and Order Council meeting ng
Kidapawan City na ginanap nito’ng Biyernes.
Sa P42 million, P33.8 million nito ay mula
sa mga negosyante, mga magsasaka, at mga residente mula sa mga bayan ng
Makilala, Magpet, President Roxas, Antipas, Arakan, at Kidapawan City.
Sa hanay ng mga magsasaka, ang pinakamalaki
umanong nakunan ng revolutionary taxes ay yaong nagtatanim ng goma.
Ayon kay Vinluan, ang kada puno ng goma ay
sinisingil ng NPA ng limampung sentimo na revolutionary tax.
Nakakulekta rin umano ang NPA mula sa mga
pulitiko at mga kandidato na tumakbo noong Mayo ng 2013 nang higit sa
P8.5million na permit-to-campaign fees.
Tumanggi si Vinluan na kilalanin sa CPOC
meeting ang naturang mga pulitiko.
Ginawang batayan ni Vinluan sa kanyang
report sa CPOC ang mga dokumento na nakumpiska nila mula sa raid na ginanap
noong March 11 sa isang satellite base ng NPA sa may Barangay New Cebu,
President Roxas. Malu Cadaleña Manar/DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento