Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagtutumbok sa mga responsableng tao o grupo sa panununog sa USMARC admin Building, ipinauubaya na sa mga pulis –Pres. Garcia

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Matapos ang masusing pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na sinadya ang pagkakasunog sa administration building ng University of Southern Mindanao Agricultural Research Center nitong madaling araw ng Pebrero a-26.

Ito batay na rin sa mga ebedensiyang nakalap at iprenisinta kay USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.


Aniya, isa sa pinakamahirap na gagawin ay ang pagtutumbok ng tao o grupo na responsible sa nasabing krimen.

Dagdag pa nito na ipinauubaya na niya sa mga kapulisan ang pag-iimbestiga ng nasabing krimen dahil ang pangunahing layunin naman ng Pamantasan ay ang pagbibigay ng de kalidad na edukasyon.

Samantala, iginiit ng Pangulo na nakabantay naman ang Regional Director ng PNP kasama na ang Provincial Director at ng Municipal Police Station ng Kabacan sa sitwasyon sa loob ng Pamantasan.


Aniya, todo suporta din maging ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa Peace and Order Situation ng USM. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento