(Tulunan, North Cotabato/ March 31,
2014) ---Nagbubunyi ngayon ang mga taga-North Cotabato matapos na masungkit ni
Binibining Pilipinas Universe Mary Jean Lastimosa ang korona sa katatapos na
koronasyon ng pageant Night na Ginanapsa Araneta Coliseum sa lungsod ng Quezon.
Halos hindi magkamayaw ang mga
kababayan ni Lastimosa dito sa lalawigan ng North cotabato matapos na tanghalin
bilang bilang binibining Pilipinas Universe 2014 ang kandidata na tubong Sibsib,
Tulunan, North Cotabato.
Sa production number pa lamang ay
halos dumagungdong na ang buong Araneta Coliseum sa hiyawan ng mga fans ng mga
kandidata.
Sa social media, agad na bumuhos ang
papuri para kay Lastimosa na isa sa highly favorites bago pa man sumapit ang
coronation night.
Taos puso naman ang pasasalamat nito
sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.
Nang tanungin ng isa sa mga hurado
na siMs Gabriela Isler ng tanong na ganito: "For you, what is the greatest
advantage of being a woman."
MJ Lastimosa answered:WINNING ANSWER
"...is being able to compose
ourselves, just like here. We're standing in front of thousands of people...but
we try to compose ourselves...tonight, thousands of people are standing here
celebrating the beauty of a woman – and that is the advantage of being a woman.
Ito ang naging sagot ng bagong
Binibining Pilipinas Universe Mary Jean Lastimosa sa nasabing katanungan.
Nagtagisan ang ganda, talino at
galing ng nasa 40 kandidata ngunit higit na nagningning ang ilan sa kanila
matapos koronahan para sa iba't-ibang kompetisyong kanilang lalahukan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento