(Kidapawan City/ April 4, 2014) ---Muling hinimok
ng Bureau of Internal Revenue o BIR District 108 sa Kidapawan City ang mga tax
payers na magbayad na ng buwis.
Ayon sa BIR District 108, mahalagang
magbayad ng buwis bago ang deadline sa April 15 upang maiwasan ang hassle at
multa.
Una nang inilunsad ng BIR ang kampanyang
‘RFP’ o Register, File,Pay upang himukin ang lahat ng mga tax payers na
magbayad na ng buwis.
Malaking korporasyon man hanggang sa mga
empleyado at self-employed.
Tiniyak din ni BIR na mapupunta sa kaban ng
bayan ang mga makokolektang buwis at maibabalik sa publiko sa pamamagitan ng
mga programa at proyekto.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento