Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakasunog sa USMARC, intentional in nature –BFP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Malaki ang paniniwala ni Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon na intentional o sinadya ang pagkakasunog sa University of Southern Mindanao Agricultural Research Center o USMARC administration building nitong madaling araw ng Pebrero a-26.

Ito ang ibinunyag kahapon ng opisyal sa DXVL News batay sa progress report na lumabas sa kanilang imbestigasyon.


Aniya, bago paman nangyari ang nasabing insedente ay nakatanggap na ng banta si Vice President for Research and Extension Dr. Cayetano Pomares batay sa sinumpaang salaysay nito sa Bureau of fire.

Ito ngayon ang sinisilip na anggulo ng mga otoridad at batay na rin sa ugali ng apoy na naobserbahan ng mga kagawad ng pamatay sunog ng mangyari ang insedente kungsaan sabay-sabay na sumiklab ang sunog.

Tinawag pa ni Guiamalon ang nagpapadala ng text messages na “fire Maniac” kay Dr. Pomares bago at matapos ang insedente.

Sa ngayon hindi pa rin dumating ang fire crime lab result para mapagtibay ang mga ebedensiyang pinapanday ng mga otoridad laban sa mga suspek.

Samantala sa pagtatapos ng fire prevention Month celebration, sinabi ni Guiamalon sa publiko na mag-ingat pa rin kontra sunog.


Wala namang naitalang sunog sa Kabacan sa buong buwang pag-obserba ng nasabing aktibidad. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento