(Sultan Kudarat/ April 1, 2014) ---Lima ang
naiulat na nadale habang marami ngayon ang nagkakasakit dahil sa pagkain ng mga
namatay na kabayo sa Sitio Pareño, Barangay Tinalon, Senator Ninoy Aquino,
Sultan Kudarat.
Sinabi ng dating municipal councilor Gil
Batilona sunod-sunod na binawian ang limang biktima mula pa noong nakaraang
linggo.
Kinilala ang mga ito na sina Junie Octavio,
Reynaldo Gabawa, Federico Abogadil, Boy Apala kag Rufino Belmonte, na pawang
nakakain umano ng bituka ng mga kinatay na kabayo.
Apat na kabayo ang namatay at kinatay ng mga
residente at ginawang pulutan ang bituka.
Tatlong pusa din ang nakitang patay sa
lugar.
Naniniwala ang mga residente sa lugar na may
magsasakang nag-spray sa kanyang palayan at napunta sa sapa ang lason na nainum
ng mga namatay na kabayo. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento