(Kidapawan City/ April 3, 2014) ---Pinatunayan
ni Lola Ramona Abaratigue, konsehal ng Barangay Ginatilan sa Kidapawan City, na
hindi hadlang ang edad sa pagkakamit ng diploma.
Si Lola Ramona ay edad 72 nang magtapos sa
hayskul sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) program ng Department of
Education (DepEd) sa Kidapawan City.
Si Lola Ramona at ang 100 pang mga graduate
ay ginawaran ng gintong medalya bilang parangal sa kanila.
Maliban kay Lola Ramona, isa pang 61-taong
gulang na lola ang graduate din ng ALS.
Payo ni Lola Ramona sa mga kapwa niya may
edad na walang natapos na mag-aral at wag mahiya sa pagkuha ng diploma. Ang edukasyon, aniya, ang tanging bagay na
hindi puwede’ng nakawin sa isang tao.
Maliban sa mga lola, graduate din ng ALS ang
preso na si Benjie Langalen at dalawang iba pa.
Kahit nasa kulungan, nag-aral din ng ALS ang
mga ito.
Mismong mga jail guard ng Cotabato
Provincial Jail ang naghatid sa mga preso sa entablado para kunin ang diploma
at medalya sa graduation rites na ginanap sa gymnasium ng Kidapawan City Pilot
Elementary School, alas-dos ng hapon ng Abril 2.
Nagbigay ng inspirational message sa mga ALS
graduates ang guro’ng si Christy Vinlo na tulad din nila ay nagtapos din ng ALS
pero nagpatuloy sa pag-aaral hanggang sa gumradweyt sa kursong Bachelor of
Science in Education.
Pumasa rin ng Licensure Examination for
Teachers si Vinlo at ngayon ay isa nang guro sa isang pampublikong paaralan sa
Kidapawan City. Malu Cadaleña Manar
0 comments:
Mag-post ng isang Komento