Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Renewal ng prangkisa sa mga tricycle at tricycab hanggang ngayong buwan na lamang ang palugit

(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Nagpaalala ngayon ang pamunuan ng tanggapan ng Franchising and Regulatory Board ng LGU Kabacan na hanggang sa huling araw na lamang ng buwan ng Abril ang palugit sa pagkuha ng prangkisa.

Ginawa ni Franchising Officer Atty. Joel Martin ang pahayag sa DXVL News kahapon.


Aniya, marami pa umano sa mga tricycle na may ruta sa mga barangay ng Kabacan ang hindi pa nakapag-renew ng kanilang prangkisa.

May naka-amba namang karampatang parusa sa mga draybers at operators na kukuha ng prangkisa na lagpas sa itinakdang palugit.

Sinabi ni Martin na dapat ay magpakulay kahel o orange din muna ang kanilang sasakyan bago mabigyan ng permit, id’s at sticker.


Ang nasabing paalala ng opisyal ay para di na rin mabalam ang mga ito sa tuwing bumibiyahe sa mga pangunahing lansangan ng bayan at sa kani-kanilang ruta kapag kumpleto ang mga papeles na ipakita sa mga traffic enforcers na nagbabantay sa mga kalye at lansangan ng Kabacan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento