(Kabacan, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Patuloy
na nananawagan sa Pamahalaang Nasyunal ang ilang mga empleyado ng National Agri
Business Corporation o NABCOR sa Kabacan na maibalik ang serbisyo ng nasabing
ahensiya.
Ito ang idinadaing ng dating kawani na si
Roel Ignacio, residente ng Barangay Osias, Kabacan na nawalan ng trabaho
makaraang ipinasara at pinahinto ang operasyon ng NABCOR nito pang Disyembre ng
nakaraang taon.
Si Ignacio, ang isa sa labing anim na mga
regular na empleyado ng NABCOR Kabacan na nawalan ng trabaho.
Ito makaraang masangkot ang kanilang
ahensiya sa Pork Barrel Scam.
Idinulog na rin nila ang nasabing problema
sa Provincial Government, pero ayon sa pamahalaang panlalawigan ay isasangguni
pa muna ito sa Department of Agriculture.
Sinabi pa ni Ignacio na hindi lamang sila
ang nawalan ng trabaho kundi maging ang mga kliyente nila ay nahihirapan na rin
para sa kanilang post harvest na gawain.
Sa ngayon nakasirado ang planta ng NABCOR at
di na rin nagagamit ang mga pasilidad nito na nagkakahalaga ng P20M.
Umabot na rin ng pitong taon ang operasyon
nito dito sa Kabacan. Rhoderick
Beñez/DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento