(Carmen, North Cotabato/ April 3, 2014) ---Patuloy
na nagpapagaling ngayon sa isang ospital dito sa bayan ng Kabacan ang isang
11-anyos na bata makaraang matamaan ng di pa matukoy na uri ng armas sa
nangyaring straffing incident sa Sitio Galay, Brgy. Kibayao, Carmen, North
Cotabato alas 7:45 kagabi.
Ayon sa report ng Carmen PNP pinaulanan ng
bala ng mga di pa matukoy na mga suspek ang pamamahay ni Mokaher Kagui gamit
ang mga di pa malamang high powered caliber.
Wala namang may naiulat na nasaktan maliban
sa 11-anyos na bata.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung anu
ang motibo sa nasabing insedente. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento