(Matalam, North Cotabato/ April 14, 2014)
---Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki makaraang aksidenteng mabangga
ng isang service vehicle ng University of Southern Mindanao sa National Highway
ng Kidapawan-Matalam, malapit sa Matalam National Highway partikular sa harap
ng Dalandangan residence sa bayan ng Matalam alas 9:15 ng gabi nitong Sabado.
Ayon kay PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng
Matalam PNP tinatahak ng Toyota Fortuner
na may plate number SKJ 624 ang kahabaan ng National Highway galing ng
rutang Davao papunta ng Kabacan ng biglang tumawid ang biktima sa kalsada at
aksidenteng nabangga ito.
Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ni Peter
Elarde, 46, may asawa at residente ng Brgy. Katidtuan, Kabacan pauwi na matapos
na ihatid ang guest speaker ng 68th commencement exercises ng USM sa
Davao City.
Agad namang isinugod ang biktima sa Babol
General Hospital pero di na ito umabot pa ng buhay.
Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng
Matalam PNP hanggang ngayon ay di pa rin nabatid ang pagkakakilanlan ng
biktima.
Batay sa pagsasalarawan ng pulisya, ang
biktima ay edad 35-40 anyos, 5’6 ang taas, army cut ang buhok, may tattoo sa
kanang bahagi ng kanyang braso na Mark at may kutsilyo sa kaliwang braso nito.
Sa ngayon, wala pa ring pamilya na umaako sa
biktima na pansamantalang nakalagak ang mga labi nito sa Collado Funeral Home
sa bayan ng Matalam.
Samantala, patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng mga pulisya sa naturang insedente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento