(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2014) ---Bumagsak
sa kamay ng mga otoridad ang isang 23-anyos na lalaki na pinaniniwalaang tulak
droga makaraang matiklo sa may bahagi ng Tomas Claudio St., Poblacion, Kabacan,
Cotabato alas 11:40 kagabi.
Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP ang suspek na si Patrick Moises Morales Ampatuan, 23, kasado at
residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.
Narekober mula sa posisyon ni Ampatuan ang
isang piraso ng suspected illegal drugs na mas kilala sa tawag na shabu.
Nanguna sa pag-aresto sa suspek ang mga
elemento ng Kabacan PNP na pinamumunuan ni PI Maxim Peralta kasama ang mga
kasapi ng BPAT na pinamumunuan ni Poblacion Kagawad Nelson Galay.
Ngayong araw nakatakdang isumite sa Crime
Lab sa Kidapawan City ang narekober na suspected shabu habang inihahanda na rin
ang kasong isasampa laban sa suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002.
Ito na ang ika-labin tatlong tulak droga na
nahuli ng mga otoridad sa loob lamang ng buwang ito at magpapatuloy ang
kampanya ng Kabacan PNP kontra illegal na droga, ayon kay Supt. Maribojo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento