(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2014)
---Abot sa labinlimang mga bagong hand held radio ang ipinamahagi sa ilang mga
kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa isinagawang pagpupulong
sa mga ito sa Municipal Gymnasium ng LGU Kabacan nitong Sabado.
Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP maliban sa mga han held radio ay binigyan din ang abot sa 300 mga
kasapi ng BPAT at tanod ng bagong uniporme.
Ang nasabing programa ay bilang tugon ni
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na bigyan nito ng pansin ang peace and order
dito sa bayan ng Kabacan.
Layon nito na mapalakas ang komunikasyon sa
mga check at choke points sa lahat ng mga lagusan ng bayan at upang matimbrihan
agad kung saan lulusot ang mga masasamang loob na gagawa ng krimen sa bayan.
Bukod dito sinabi ni Maribojo na sasailalim
din sa susunod na buwan ng pagsasanay ang mga bpat at tanod.
Kampante ang opisyal na sa pamamagitan nito
at maitaguyod ang kaayusan at katahimikan sa bayan katuwang ng active
participation ng mamamayan sa pagsawata ng kriminalidad. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento